NAGHARAP na kahapon sina House Speaker Gloria Arroyo at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Pampanga Rep. Aurelio Gonzales, siya ang nagsilbing tulay para makapag-usap sina Arroyo at Alvarez.
Tumagal ng 20 minuto ang pag-uusap ng dalawa.
Aniya, maayos naman ang naging pagtanggap ni Alvarez kay Arroyo kung saan nakangiti naman ang dating Speaker nang makaharap si CGMA.
Hindi pa ina-acknowledge ni Alvarez na Speaker si CGMA kundi “Ma’am” pa ang tawag nito rito.
Sa kanilang pag-uusap, inalok ni CGMA si Alvarez na magpalit na sila ng opisina.
Nakiusap naman si Alvarez na sa Lunes na i-take over ni CGMA ang Speaker’s office.
Nang tanungin si Speaker Arroyo, tumanggi itong idetalye ang personal na pag-uusap nila ni Al-varez. CONDE BATAC
Comments are closed.