SPEAKER ROMUALDEZ, BIBIGYAN NG PLAQUE AT CASH ANG GILAS AT IBA PANG ATLETA SA ASIAN GAMES

BIBIGYAN  ng plaque at cash ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Gilas Pilipinas Basketball Team matapos iuwi ang gintong medalya sa bansa, makaraan ang 61-taon.

Matatandaang tinalo ng Gilas ang Team Jordan sa score na 70-60 sa China noong Biyernes.

Ayon kay Speaker Romualdez, “Gilas taught us Filipinos once again our resilience against all odds, yun bang never surrender attitude.”

“Maraming salamat Gilas at maraming salamat sa mga atleta na nag-uwi rin ng medalya,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Kasama ang lahat ng miyembro ng Kongreso, bibigyan ng plake ang bawat atleta at cash na may kabuuang halaga na P10 milyon.

Ani Romualdez, “These great men showed us that nothing is impossible and could not be achieve basta sama-sama and everybody gives his best.”

“Hindi pa ako ipinapanganak ng huling maging kampeon ang Pilipinas sa Asian basketball. Kaya we have to celebrate,” pahabol pa ng lider ng Kong­reso.