“Umuwi ka muna bago natin pag-usapan mga request mo.”
Ito ang diretsahang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Negros Oriental Cong. Arnulfo Teves na patuloy pa ring nananatili sa ibang bansa.
Ayon kay Speaker Romualdez, hindi dapat idaan ni Teves sa social media ang kanyang kahilingan.
“Bakit hindi niya sabihin ang gusto niya sa harap ko at sa harap ng mga kasamahan niya sa Kongreso? Bakit kailangan sa social media niya pinadadaan?” aniya.
“Paano namin malalaman kung sinsero siya sa sinasabi niya about sa threat sa buhay niya o wala syang kinalaman sa kaso?” pahayag pa ng lider ng Kongreso.
“Just come home. After all, may kasabihan that truth will set you free kung inosente ka,” aniya pa.
Sa ngayon ay suspendido ng dalawang buwan si Teves dahil sa patuloy na pananatili sa ibang bansa at tamangging umuwi bagamat natapos na ang travel authority nito noon pang Pebrero.