NAKATUTOK at panay ang report ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa bagyong “Egay” kay Pangulong Marcos kahit nasa Malaysia para sa state visit.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, binigyan ng instruction ng Pangulo ang mga ahensiya na kasama sa disaster respose tulad ng DSWD, DOH, DPWH, DTI, DA at DILG na ibigay kung anuman ang kailangan ng mga LGU na tinamaan ng bagyo.
“On our part sa Congress, kinausap ko ba ang DSWD at DOLE na mag-ready ng pondo para sa mga nasira ang tirahan at nawalan ng hanap buhay dahil sa bagyo,” ayon kay Romualdez.
Nasa 3-day state visit ang Pangulo sa Malaysia para sa pagpapalakas pa ng economic at bilateral relations ng dalawang bansa.
“Even before he left, the President made sure na ready ang lahat ng agency ng gobyerno to respond,” ani Romualdez.
Nakausap na rin ng lider ng Kamara si Appropriations Chairman Cong. Zaldy Co para maghanap na ng pondo kung sakaling magkulang ang pondo ng executive department.