SPECIAL AUDIT NG DOH TATAPUSIN

UMAASA  si Senador Risa Hontiveros na kukumpletuhin na ng Commission on Audit (COA) ang special audit nito sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19 ng Department of Health (DOH) nang hindi lalagpas sa Hunyo 2023.

“We expect COA, to the fullest extent of its authority, to compel all government agencies involved to submit the documentary requirements, and complete the audit procedure [by] at the latest by June 2023. Truth be told, the time to subpoena the withheld documents COA needs for its special audit was yesterday,” ani Hontiveros nitong Lunes.

Ang mga concerned government agencies, ay hindi nagbabahagi ng sapat na dokumento sa COA para matulungan ang state auditor na magpatuloy sa special audit.

“Bilyon-bilyon ang nilagak at ginastos natin sa COVID-19 responses, up to this point, concerned agencies like the DOH, whether under Duque or Vergeire, are not providing the Commission with sufficient documents to proceed with the special audit,” ayon sa mambabatas.

“Tama na ang turuan, government agencies should cooperate and get the audit done,” dagdag ni Hontiveros.

Sinabi ng senadora na mananatiling unidentified ang mga ahensya at indibidwal na posibleng sangkot sa pag-aaksaya o anomalya sa paggastos ng COVID-19 response budget habang nakabinbin ang special audit. LIZA SORIANO