ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Abdullah Mamao bilang special envoy to Kuwait at naatasang tulungan ang pagpapabalik sa mga OFW na nagnanais na makauwi ng bansa.
Ang pagkakahirang kay Mamao ay bunsod na rin ng diplomatic row na nagaganap ngayon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait dahil sa ginawang rescue mission ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW na hindi naman na-gustuhan ng Kuwaiti government.
Sa radio interview, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na itinalaga ng Pangulong Duterte si Mamao matapos ang isinagawang 25th cabinet meeting sa Ma-lakanyang noong Lunes ng gabi.
“Ang bilin po ni Presidente, babalik na rin si Secretary Mamao sa Kuwait sa lalong mabilis na panahon at mananatili sa Kuwait hangga’t hindi nakakauwi sa Pilipinas la-hat ng dapat makauwi,” wika ni Roque.
Magugunita na bumisita si Mamao sa Kuwait at nakipagpulong kay Kuwaiti Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah upang pag-usapan ang labor row sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang ginawang rescue mission ng mga Philippine Embassy staff ang nagbunsod ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait makaraang magprotesta ang huli ng anila’y paglabag sa sovereignty ng kanilang bansa.
Tinatayang aabot sa 260,000 OFWs ang nasa Kuwait habang nasa 600 hanggang 800 naman ang nasa embahada at naghihintay na maproseso ang mga papeles para makauwi sa Pilipinas. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.