SPECIAL GRADUATION CEREMONY PARA SA LGBTQIA+ STUDES

KUNG sa ibang lugar ay hindi pinapayagang magmartsa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community, ang pamahalaang lungsod ng Quezon ay may handog pang espesyal na graduation ceremony.

Ayon sa LGU, ito ay para ipagdiwang ang karapatan ng mga mag-aaral na malayang magtapos at magmartsa na ayon sa kanilang sariling presentasyon.

Idadaos sa darating na Hunyo 22 ang tinatawag na “Graduation Rights: March with Pride in QC.”

Bukas ang programang ito sa mga:
• Miyembro ng LGBTQIA+ Community
• 18 anyos pataas
• Residente ng Quezon City o kung hindi man, nagtapos sa paaralan na matatagpuan sa Quezon City
• Hindi nakapagmartsa base sa kanilang kasarian at nais na self-expression noong sila ay Senior High School o College

Kailangan lamang na magrehistro sa link na mula sa LGU: bit.ly/GraduationRightsRegistration
Bukas ang registration hanggang Hunyo 7 lamang. P ANTOLIN