HINIMOK ni Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Inter-Agency Task Force (IATF) na atasan ang mga supermarkets, convenience stores, at groceries na maglagay ng special lane para sa mga frontliners.
Ayon kay Fortun, nabatid niya na may ilang establisimiyento na ang gumagawa nito pero mainam pa rin na obligahin ang paglalagay ng express lane para sa mga frontliner na gagawin naman sa buong bansa.
Aniya, hindi na kakailanganin pang magtagal sa pila ng mga frontliner dahil importante ang bawat oras para sa kanila.
Bukod sa special lane, hinikayat din ng kongresista ang mga local government unit (LGU) na atasan ang mga tindahan na magbigay ng discount sa mga frontliner.
Sa ganitong paraan, maipapakita natin sa mga frontliner lalo na ang nasa medical institutions at mga nasa checkpoint ang pasasalamat sa kanilang pagsasakripisyo sa gitna ng panganib ng COVID-19.
Hinimok naman ni Fortun ang publiko na magpakita ng gratitude o pasasalamat sa frontliners sa pamamagitan ng pagyuko, pagngiti at simpleng kaway kapag makakasalubong ang mga ito. CONDE BATAC
Comments are closed.