WALANG pasok sa mga tanggapan at maging sa mga paaralan kahit online classes sa Maynila sa Hunyo 24, Huwebes.
Ito ay makaraang lagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation 1167 na nagdedeklarang Special Non-Working Day sa Maynila sa nasabing petsa.
Ang paglagda, alinsunod sa awtoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Manilenyo para sa ika-450 founding anniversary ng Lungsod ng Maynila.
Bagaman pinahintulutan ang selebrasyon ay pinayuhan ang mga residenteng lalahok na sumunod sa health protocols dahil may kuwarantina at panahon pa rin ng pandemya.
“Whereas, it is but fitting and proper that the people of the City of Manila be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies, subject to community quarantine, social distancing and other public health measures,” nakasaad sa proklamasyon na nilagdaan kahapon ni Medialdea. EVELYN QUIROZ
355927 418403Amaze! Thank you! I constantly wished to produce in my internet web site a thing like that. Can I take element of the publish to my weblog? 238354
731914 809303This internet site is my breathing in, really wonderful pattern and perfect content material . 167305
8524 946995Some truly nice stuff on this internet website , I like it. 233639