SA pamamagitan ng isang executive order ay idineklara ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ngayon, Hunyo 30 bilang special non-working holiday kaugnay sa nakatakdang inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong” Marcos sa National Museum.
Ang kanyang pagdedeklara ng special non-working holiday sa lungsod ay bunsod sa kahilingan ng Philippine National Police (PNP) dahil ang Pasay ay katabing lungsod lamang ng Maynila kung saan gaganapin ang panunumpa ni Marcos bilang ika-17 presidente ng bansa.
Nais ng PNP na mabawasan ang mga hindi inaasahang pangyayari dahil sa mga isinaradong mga kalsada at protesta na may relasyon sa inagurasyon ni Marcos.
Gayundin, kailangan na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan maging ng mga residente at mga nagtatrabaho sa lugnsod na maaapektuhan ng pagsasara ng mga kalsada na malaki ang magiging epekto nito sa daloy ng trapiko para sa mga motorista at mga pasahero.
Kaya’t inatasan ang lahat ng department heads na imonitor ang pagsunod sa kautusan at ang pahigpit na pagpapatupad ng security measures sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ