APRUB sa Land Transportation Office (LTO) ang panukalang pagkakaroon ng special plates para sa mga e-vehicle sa bansa.
Aatasan ang LTO na gumawa ng mga naturang plaka upang humikayat sa mga mamamayan na magmay-ari nito bilang proteksyon sa kalikasan.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, ikokonsulta niya rin ang naturang panukala kay DOTr Secretary Jaime Bautista.
Naniniwala si Mendoza na oras maisabatas ang panukala makapagbibigay ito ng karangalan sa mga hindi lamang may-ari dahil sa kanilang ambag sa pangangalaga sa kalikasan.
Bukod pa ito sa layuning mapadali ang pagtukoy ng mga traffic enforcer sa mga e-vehicles. DWIZ882