SPECIAL POWERS KAY DUTERTE PARA PABILISIN ANG ‘BBB’ PROGRAM

duterte

INIAKYAT na at hinihintay na lamang na maaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang panukala na nagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para pabilisin ang mga proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program.

Inaprubahan unanimously ng House Committee on Flagship Programs and Projects ang House Bill 5456 o ang Flagship Emergency Act of 2019 na nagkakaloob ng special powers sa ­Pangulo para padaliin ang implementasyon ng 100 flagship projects sa ilalim ng BBB programs.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, may akda ng panukala, kina-kailangang masuportahan ng special powers ang mga BBB program para maitaas ang inclusive growth ng bansa.

Target din na mapababa ang antas ng kahirapan mula sa 21.6% noong 2015 sa 14% sa 2022.

Layunin din ng panukala na matapos ang mga flagship program ng administrasyon bago o pagsapit ng 2022.

Sinabi ni Salceda na kasalukuyan naman nang ginagawa ang mga infra project ngunit padadaliin lamang sa pamamagitan ng mabilis na procurement process at paggiit sa right of way.      CONDE BATAC

Comments are closed.