ISINUSULONG ng isang kongresista ang pagkakaloob ng ‘special powers’ kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapabilis ang mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, wala itong ipinagkaiba sa emergency powers pero tinawag niya na lamang itong special powers dahil wala naman aniyang umiiral na emergency sa bansa.
Sa ilalim ng special powers ay bibigyan ang Pangulong Duterte ng kapangyarihan na mapabilis ang ‘Build Build Build’ pro-jects.
Paliwanag niya, karaniwang nagiging mabagal ang mga proyekto dahil sa procurement process at problema sa right of way, lalo na sa mga pribadong lugar o subdivisions.
Aminado ang mambabatas na mabagal ang implementasyon ng mga proyekto pero hindi naman bigo ang ‘BBB’ projects tulad ng sinasabi ni Senador Franklin Drilon. CONDE BATAC
Comments are closed.