SPECIAL PROMOTION NG 75 PULIS SA MARAWI SIEGE IGINAWAD NA

NAPOLCOM

CAMP CRAME – KINUMPIRMA na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang special promotion ng 75 mga pulis na nagpakita ng katapangan at katapatan habang idinedepensa ang Marawi City noong 2017.

Inisyu na ng Napolcom en banc, na pinamunuan ni Interior Secretary Eduardo Año, ang resolution number  2019-120, na may petsang Pebrero 13, 2019, na nagkukumpirma sa pag-angat ng ranggo ng 75 PNP personnel kasunod ng rekomendasyon ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ni NAPOLCOM Vice-Chairman and Executive Officer Rogelio Casurao,  na nagampanan nang tama ng nasabing mga pulis ang kanilang tungkulin at maituturing silang bayani.

Aniya, dahil sa kanilang kagalingan, nalansag ang 920 mi­yembo ng Maute-ISIS at Abu Sayyaf kasama na ang kanilang lider na sina  Isnilon Hapilon at  Maute Brothers Abdullah at Omar.

Habang naisalba ang 1,777 bihag at pagkarekober ng 479 units ng mga armas at bala. EUNICE C.

Comments are closed.