MAGTATAYO ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ng espesyal na mga palengke kung saan maaaring makabili ng mas murang manok ang publiko.
Aminado si Finance Assistant Secretary Tony Lambino na napakalaki ng diperensya ng farm gate price ng manok kumpara sa presyong nabibili ng mamimili sa palengke.
Dahil dito, mismong ang poultry owners ang direktang magtitinda ng manok sa mga itatayong special public markets ng pamahalaan para magmura ang bentahan ng manok.
Matatandaang nasa P85 lamang ang farm gate price ng manok ngunit dahil sa malaking patong sa presyo ng traders napipilitan ang mga nagtitinda sa palengke na itaas din ang presyo ng manok na ngayon ay nasa P160 ang kada kilo.
Comments are closed.