TINUTULAN ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang panawagan ng mga militanteng grupo para sa special rebates bunga ng naranasang kakulangan o krisis sa tubig ng customers ng Manila Water.
Nagpetisyon kamakailan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Bayan Muna na dapat ay magkaroon ng rebate para sa karagdagang gastos na naidulot ng krisis katulad ng pagbili ng mga lalagyan ng tubig at maging ang nawalang kita ng customers na may negosyong kainan o restaurant.
Sagot ng MWSS ay wala silang kapangyarihang pagdesisyunan ang naturang petisyon.
Ang payo ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty ay maghain ng petisyon ang naturang mga grupo sa korte.
Dismayado naman si Bayan secretary-general Renato Reyes sa sagot sa kanilang petisyon at sinabing kokonsulta sila sa kanil-ang mga abogado para sa mga susunod nilang hakbang.
Matatandaang ilang mambabatas din ang nanawagan para sa bawas sa singil sa tubig sa panahon na nagkaroon ng interruption ang serbisyo ng concessionaire. AB
Comments are closed.