SPECIAL UNITS NG PDEG ‘DI BUBUWAGIN

NILINAW ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na hindi na nila bubuwagin ang mga Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group.

Sa halip ay tutukan na lang ang vetting process o masusing sasalain ang kanilang mga tauhan at made-detail sa nasabing yunit upang hindi magkaproblema.

Sa halip na pagbuwag, magpapatupad na lang ng reshuffle sa PDEG para sa kanilang SOUs.
Layunin nito na mawala ang familiarization sa isa’t isa ng kanilang mga operatiba na isa sa mga dahilan ng kinakaharap nilang kontrobersiya.

Sa pag-aaral, may mga nakita problema kung itutuloy ang plano.

Ikinagalak naman ng PDEG ang naging desisyon ni Acorda dahil makatitipid sila ng P6 milyon hanggang P7 milyon para lamang ma-transfer ang kanilang mga tauhan.

Ang planong pagbuwag sa SOU ng PDEG ay kasunod ng pagkakaladkad nito sa halos isang toneladang shabu na nakumpiska sa Maynila noong Oktubre 2022.

Sang-ayon din ang pamunuan ng PDEG sa vetting process habang bubuo rin ng Special Team naman apra sa pagpapatupad ng reshuffle sa kanilang mga tauhan.
EUNICE CELARIO