SPECIALIZED POLICE OPS IPATUTUPAD SA ISABELA

ISABELA

CAGAYAN – MAGPAPATUPAD ang pamunuan ng Police Regional Office -2 (PRO-2) ng specialized police operation sa dalawang bayan na naitala sa Region 2 na hotspot sa May midterm election 2019, isa sa Jones, Isabela at isa sa bayan ng Enrile, Cagayan

Sa nakuhang impormasyon ng PILIPINO Mirror kay P/Gen. Jose Mario Espino Regional Director ng PNP Region-2, magde-deploy sila ng karagdagang mga pulis sa nasabing bayan upang maiwasan umano ang maaring kaguluhan sa pagsapit ng eleksiyon dahil sa umano’y mainit na political situation sa nasabing lugar.

Magugunitang noong mga nakalipas na panahon sa bayan ng Jones, Isabela, ay isang punong bayan ang nasawi kabilang ang isang konsehal, ilang mga opisyales na ang itinumba, dalawang pangalawang punong bayan na ang huli ay si vice ma­yor Florante Raspado na pinagbabaril hanggang sa mamatay sa loob mismo ng munisipyo habang sila ay nagsasagawa ng isang sesyon.

Ang isa naman ay sa bayan ng Enrile, Cagayan, kung saan ay may mga nangyaring ilang insidente ng pamamaril sa mga isinasagawang rally ng mga makalabang politiko.

Gayunman, nilinaw ni Espino na hindi pa inilalagay sa “red zone” o election hotspot ang dalawang bayan dahil wala pang rekomendas­yon ang Regional Joint Security Coordinating Committee. IRENE GONZALES

Comments are closed.