ANG MANOK pansabong ay tulad din ng boxer na nangangailangan ng bilis at lakas na ang tanging pinagkaiba ng manok panabong ay patayan ang pupuntahan.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, iba-iba ang characterestics ng bawat isang manok.
Aniya, mayroong habang gumugulang o tumatanda ay nadadagdagan ang kanilang abilidad sa pakikipagkaban o mayroon din namang bumabagal sa pagkilos.
“Kung winner na po ang manok lalo na kung dumaan sa matinding sugat ay dapat po ay palugunin na para masigurado kung walang naging diperensiya sa hitsura at pangangatawan na maaaring makaapekto sa kanyang performance sa muling pakikipagkaban,” ani Doc Marvin.
“Ang manok na may diperensiya ay pwede po ilaban at manalo basta siguraduhin lang na may diperensiya rin ang kalaban niya para patas ang laban!” dagdag pa niya.
Sa pamimili ng panlaban, importante palagi ang may naka-set na standard o pamantayan para madali kang makapili at malapit sa panalo, ayon pa kay Doc Marvin.
Aniya, nakakapagod na napakahirap pa ang maghanda ng manok na hindi mo kursunada lalong-lalo na kung ito ay may kapintasan o diperensiya.
“Kung matalo man ang manok ay laban mo naman at kursunada mo naman kaya po ang dapat ay walang dahilan para walang sisihan,” ani Doc Marvin.
“Madali lamang po ang humanap ng manok na super super ang galing perp hinding-hindi ka makakakita ng manok na siguradong mananalo,” dagdag pa niya.
Sa pagpili ng panlaban o pam-breeding, tandang at inahin importante po pulang-pula ang mata kasi healthy na intelligent pa at dilat na dilat dapat ang mata para malawak ang sakop na kanyang nakikita para hindi na niya kailangan pang lumingon para tingnan o hanapin ang kanya kalaban.
“Kapag dilat ang mata hindi basta-basta nauunahan kasi yon po ang madidiin pumalo at iyon ang magagaling mag-abang, kalmado pero alerto!” ani Doc Marvin.
Comments are closed.