SPENDING BAN SA CAMPAIGN PERIOD

HIHILINGIN ng economic team ng administrasyong Duterte sa Commission on Elections (Comelec)  na i-exempt ang big-ticket infrastructure projects sa spending ban sa campaign period para sa nalalapit na May polls, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na mananawagan sila sa poll body na huwag isama ang national projects sa mga ipagbabawal na itayo.

“One thing we can do is to ask for exemption from the Comelec on the ban on spending after March,” wika ni Pernia.

Kaugnay sa idaraos na midterm elections sa Mayo 13, ipagbabawal ng Comelec ang public works construction at ang pagpapalabas ng public funds mula Marso 29 hanggang Mayo 12.

“I think we can get agencies, agencies needing to get exemptions… should get exemp­tions. I think most ­infra projects, especially those of national significance, will be spared from the ban,” ani Pernia.

Dagdag pa niya, ang exemption ay magbibigay ng katiyakan na hindi maaantala ang mga infrastructure project na magtutulak sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang pag-exempt sa malalaking infrastructure projects ay pinaniniwalaang bahagyang makapagpapagaan sa economic impact ng re-enacted budget, na naunang sinabi ni Pernia na makapagpapabagal sa economic growth ng 1.6 hanggang 2.3 percentage points, sakaling magtagal ang sitwasyon sa buong 2019.

“I would expect the Comelec to be more understanding with the re-enacted budget. The President might also try to help, appeal to the Comelec that exemptions be given,” sabi ni  Pernia.

Nilinaw naman ng NEDA na ang maliliit na infrastructure projects na pangangasiwaan ng local government units ay susunod sa election ban.

Ang paghingi sa exemptions ay tatalakayin sa susunod na Cabinet meeting sa Pebrero 6.

Comments are closed.