SPIKERS’ TURF OPEN CONFERENCE TAMPOK SA PSA FORUM

Volleyball

MAGIGING sentro ng talakayan ang nalalapit na Spikers’ Turf Open Conference sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Forum ngayong Martes sa ground floor ng Rizal Memorial Sports Complex.

Dadalo sa public sports program sina Ricky Palou, presidente ng organizing Sports Vision, tournament director Mozzy Ravena, at Spikers Turf president Alyssa Valdez, ilang coaches ng mga kalahok na koponan, at isang kinatawan mula sa coveror Cignal TV.

Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.

Ang Spikers’ Turf, ang premier men’s club league ng bansa, ay magbubukas sa Jan. 22, kung saan ang NU-Sta. Elena ang huling itinanghal na kampeon.

Ang Forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Naka-livestream ito via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.