Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
4 p.m. – Imus vs Santa Rosa
6 p.m. – PGJC-Navy vs Army
DALA-DALA ang bandila ng Archipelago Builders, umaasa ang National University na maganda ang kanilang ipakikita sa likod ng kanilang second team sa Spikers’ Turf Open Conference.
Sa likod nina open spikers Nico Almendras at Mike Buddin, Congolese middle blocker Obed Mukaba at top playmaker Josh Retamar, nalusutan ng Bulldogs ang mga hamon sa comeback tournament ng Spikers’ Turf noong nakaraang taon.
Ginulantang ng NU ang Marck Espejo-led Cignal HD upang kunin ang Open Conference pagkatapos ay ginapi ang University of Santo Tomas para sa V-League Collegiate Challenge title.
Gayunman ay wala sina Almendras, Buddin, Mukaba at Retamar, kasama ang iba pang key players, upang pangunahan ang title-retention bid ng Bulldogs dahil ang Spikers’ Turf ay gaganapin kasabay ng UAAP men’s volleyball tournament na magbubukas sa late February.
“We are fielding a young team,” sabi ni Dong dela Cruz, isa sa assistants ni NU coach Dante Alinsunurin.
Ang koponan ay kinabibilangan nina holdovers Mac Bandola, Ahmad Abdul, libero Marco Maclang at setter Joseph Bello at newcomers Jan Abanilla, Joelbert Doromal, John Estrada, Edgar Florescan, Zulrich Gonzalez, Michael Hernandez, Bryan Jaleco, Leo Ordiales, Rhoy Parce at Rwenzmel Taguibolos.
Ilan sa kanila ay nakapaglaro na kasama ang UAAP-bound players sa V-League, gayundin sa PNVF Champions League for Men.
Pinapaboran ang Cignal at newcomer Imus at Cotabato para sa korona sa torneo na umakit ng 11 koponan, kabilang ang PGJC-Navy, Army, Air Force, VNS, Santa Rosa, Iloilo at Vanguard Volleyball.
Sisimulan ng Bulldogs ang kanilang title retention drive sa Miyerkoles kontra Vanguard Volleyball sa alas-6 ng gabi.
Bubuksan ng Imus at Santa Rosa ang torneo ngayong alas-4 ng hapon, na susundan ng salpukan ng Navy at Army sa 6 p.m. main match.