NAGBABALIK si Louie Ramirez, pinangunahan ang University of Perpetual Help System Dalta sa four-peat sa NCAA, upang palakasin ang decorated club sa darating na Spikers’ Turf conferences.
Si Ramirez, isang two-time NCAA MVP, ay isa pang key off-season acquisition para sa HD Spikers sa kanilang pagtatangkang masundan ang kanilang Open Conference championship run sa Invitational Conference kamakailan.
Pinalakas ng Cignal ang matibay nang roster nito sa pagkuha kina National University star setter Owa Retamar, La Salle opposite hitter JM Ronquillo at Far Eastern University middle blocker Martin Bugaoan.
Si Ramirez ay nasa kanyang ikalawang tour of duty para sa HD Spikers. Naglaro siya sa 2022 Open Conference, kung saan pumangalawa ang Cignal sa likod ng Sta. Elena-NU.
Makaraang dominahin ang Open Conference, hangad ng HD Spikers ang grand slam kung saan nakatutok sila sa redemption tour sa Invitational Conference sa Oktubre.