SPIKERS’ TURF: SEA LIONS LUMAPIT SA BRONZE

Mga laro bukas:
(Paco Arena)
2:30 p.m. – PGJC-Navy vs VNS (3rd Place)
5:30 p.m. – NU-Sta. Elena vs Cignal (Finals)

LUMAPIT ang PGJC-Navy sa pagkopo ng kanilang kauna-unahang Spikers’ Turf podium finish kasunod ng 25-20, 25-19, 25-21 pagdisparsa sa VNS-One Alicia kahapon sa Paco Arena.

Umiskor si Joeven dela Vega ng 14 points, kabilang ang tatlong blocks at isang service ace, habang nag-ambag si Greg Dolor ng 8 points para sa Sea Lions na kinuha ang 1-0 lead sa best-of-three series.

Kinapos sa kanilang kampanya na makopo ang breakthrough Finals stint, ang PGJC-Navy ay magtatangka sa bronze medal sa Game 2 bukas.

Umaasa si Dolor na magtatagumpay sila upang masayang tapusin ng Sea Lions ang kampanya sa Open Conference.

“Siyempre masaya. Kasi nag-start naman kami na hindi kami nakakapasok ng semis. Ito lang ang time na nakapasok kami,” sabi ni Dolor, na naka-enlist sa Navy sa loob ng tatlong taon. “Sayang lang ‘yung Finals, pero meron pa namang bronze na paglalabanan.”

Ang Sea Lions, nanguna sa preliminary round na may 5-1 record, ay pumangatlo sa semifinals na may 1-2 marka.

Tumipa si Jao Umandal, ang leading scorer ng PGJC-Navy, ng 7 points at 8 receptions bego inilabas sa buong third set. Gumawa si setter EJ Casaña ng 20 excellent sets at naitala ang isa pang ace ng Sea Lions.

Nanguna si Ben San Andres para sa Griffins na may 8 points at 11 receptions habang nagdagdag si Alfred Pagulong, sa kanyang unang start bilang rotation player, ng 7 points.