SPLASH CORPORATION, TUMULONG SA VALENZUELA CITY PARA LABANAN ANG COVID-19 SA PAMAMAGITAN NG KABUHAYAN AT DONASYON

SPLASH CORP2

Para makatulong sa paglaban kontra COVID-19, nagbigay ng tulong ang Splash Corporation sa Sambayanang Pilipino sa natatanging paraan.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan sa may 40 pamilya na nakatira malapit sa kanilang pabrika sa Valenzuela. Hango sa pelikulang “Parasite” kung saan isang pamilya ang binigyan ng trabaho na bumuo ng mga kahon ng pizza, binigyan ng Splash ng  trabaho ang ilang pamilya na maglagay ng sticker sa mga bote ng Hygienix Alcohol at Hand Sanitizer. Bukod sa nakakatulong ito para makaagapay ang Splash sa taas ng demand ng publiko para sa alcohol at sanitizers, nagbibigay din itong pagkakataon ang mga pamilya na kumita habang naka- quarantine sa loob ng bahay.

Malaking pasalamat sa Splash ng residenteng si Cielo Reponte na ang pamilya ay isa sa mga kinontrata ng Splash: “Kami po ng aming pamilya ay taos pusong nagpapasalamat sa binigay ninyong oportunidad. Dahil dito kahit papaano ay meron kaming napagkakakitaan”. Isa pang residente na si Janet Cortez, ay nagpasalamat din. “Nang dahil po sa inyo meron po kaming pinagkakaabalahan kahit nasa bahay lang po kami. Lalo na ngayong krisis na ating kinahaharap, malaking tulong po iyon sa amin sa pangaraw-araw naming gastusin”. Isang residente na bahagi din ng stickering ngunit ayaw namang magpakilala ay nagsabing: “Isa po ako sa mga worker na NO WORK NO PAY. Maraming salamat po dahil ako ay kumikita kahit nasa bahay lamang”.

Bukod sa kabuhayan, nabiyayaan din ang may 18,000 pamilya na nakatira sa apat na barangay malapit sa pabrika ng Splash nang higit-kumulang 180,000 na piraso ng soap packs mula sa kumpanya. Personal na tinanggap ang donasyon nina Barangay Captains Lucy Nolasco ng Barangay Paso de Blas; Mario San Andres ng Barangay Canumay West; Dan Delesmo ng Barangay Lingunan; at, Arnold Natividad ng Mapulang Lupa.

Nagsagawa din ang Splash Executives ng courtesy call kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian bago nila ipinamahagi ang donasyon na 1,200 gallons ng Hygienix Alcohol, 1,200 bottles ng Hygienix Liquid Hand Soap at 67,000 piraso ng sabon para magamit ng mga ospital, front liners at mga mamamayan ng Valenzuela.