PAPAGITNA ang ‘Sports and COVID-19’ sa session ng National Sports Summit 2021 (NSS) kung saan kinuha ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang panauhin si international orthopaedist at sports medicine Dr. Randolph Molo sa online lecture-forum ngayong Huwebes.
Si Molo, ang kasalukuyang head ng PSC’s Medical Scientific Athletes Services (MSAS) Unit at isang International Football Medicine and Doping Panel member ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) at Asian Football Confederation (AFC), ay angkop na resource person sa paksa makaraang pamunuan ang maraming matagumpay na sports exercises ngayong pandemya, kabilang ang nagpapatuloy bubble training ng Olympic-bound national athletes.
Ayon kay National Training Director Marc Velasco, napapanahon ang paksa dahil magbibigay ito ng sapat at scientifically-backed guidance sa kung paano magpapatuloy ang sports-life sa kabila ng health crisis.
Sa kasalukuyan, ang NSS ay nakapagtampok na ng pitong sessions magmula noong Enero. CLYDE MARIANO
Comments are closed.