SA kalagitnaan ng 31st Vietnam Southeast Asian Games ay kumpiyansa si national team chef de mission Ramon Fernandez na kung magpapatuloy ang trend, makakamit ng bansa ang target nito na magtapos sa ikatlong puwesto overall sa medal standings.
“We are halfway through the Games, and we are in the top three of the medal standings, thank God. We are well within our target of finishing at least third overall. We just have to maintain our performance until the end,” sabi ni Fernandez.
Sa kabila ng limitadong resources at training na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, ang Filipino campaigners ay matikas na nakikimahok, kung saan kamakalawa ay humakot sila ng 10 gold medals, ang pinakamarami nila sa isang araw sa kasalukuyan.
Hanggang noong Lunes ng gabi, ang mga Pinoy ay nasa ikatlong puwesto na may kabuuang 30 golds, 34 silvers, at 50 bronzes, sa likod ng No. 2 Thailand (34-35-50) at host Vietnam na namamayagpag sa unahan (83-50-55).
Nagmula sa dancesports at gymnastics ang mahigit sa kalahati ng outputs noong Lunes na may apat at tatlong mints, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, si world champion Carlos Edriel Yulo ang top individual athlete ng bansa sa nakolektang 5 gold makaraang idagdag ang men’s vault at high bar mints, bukod pa sa silver sa parallel bars.
“We still have several sports where our athletes can win medals, and hopefully they can deliver,” ani Fernandez, na commissioner din ng Philippine Sports Commission at nasa Vietnamese capital magmula pa noong Mayo 1 para pangasiwaan ang mga pangangailangan ng Philippine delegation.
Nasa medal hunt pa rin ang PH standard-bearers sa athletics, archery, boxing, basketball, bowling, billiards, weightlifting, sa pangunguna ni Tokyo Olympic gold medalist Hidylin Diaz, karatedo, taekwondo, wrestling, canoe-kayak, shooting, sepak takraw, muay thai at lawn tennis. CLYDE MARIANO