ISINUMITE na ng Russian Direct Investment Fund (RDIF) sa World Health Organization (WHO) ang kanilang aplikasyon para sa Emergency Use Listing (EUL) at pre-qualification ng Sputnik V na bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).
Ang EUL ang magpapabilis ng availability ng bakuna sa buong mundo habang ang WHO pre-qualification naman ay isang global quality tag na titiyak na epektibo at ligtas ang bakuna.
Oras na makapasa ang aplikasyon ng Sputnik V sa EUL, posible na itong payagang isama sa listahan ng medical products na naabot ang standard ng international body pagdating sa quality, safety at efficacy standards.
May mga ulat na ikinabahala naman ito ng ilang doktor at siyentipiko sa ibang bansa dahil wala pang kasiguruhan kung ligtas at epektibo ang nasabing bakuna ng Russia.
Matatandaang inalok ng Russian government ang Filipinas upang magmanupaktura ng Sputnik V vaccine.
Comments are closed.