SADYA nga bang hindi kayang bigyan ng solusyon ng mga ahensiya ng pamahalaan ang suliranin sa patuloy na pagdami ng squatter families sa bansa?
Hirit ng administrasyong Duterte, buksan ang mga bulwagan para sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang gawing bahagi ng lupong babalangkas ng mga solusyon at programang tutugon sa suliranin ng iskwater sa bansa.
Sa isang pagpupulong sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM), may 20 kinatawan mula sa iba’t ibang sektor sa hanay ng Civil Society Organizations, People’s Organizations at International Non-government Organizations, ang nagkasundo na suportahan ang Multi-Sectoral Conference on the Commitment for a People-Centered Shelter Program na inorganisa ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) Steering Committee.
Anila, kailangan nang ipatupad ang pagbibigkis ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang ganap nang maisakatuparan ang PH-OGP National Action Plan 2017-2019 – isang Shelter Assistance para sa squatter families sa bansa.
Ang nasabing programa ay isasakatuparan sa tulong ng mga community organizer mula sa iba’t ibang grupong karaniwang maninilang sa mga radikal at militanteng grupo na tumutuligsa sa kawalan ng malasakit sa mga mamamayang nananatiling walang sariling tahanan. FERNAN ANGELES