SQUATTERS IRE-RELOCATE NI DUTERTE

SQUATTERS

NAGPAPAHANAP si Pangulong Rodrigo Duterte ng bakanteng lupa sa Metro Manila para malipatan ng informal settlers.

Ito ang nakikitang solus­yon ng Pangulo para maibsan ang paglala ng problema sa  mga squatter sa Kamaynilaan.

“Dito na naman ako sa urban land reform. Pinaka­matindi rito sa Maynila. Ngayon kung may mahanap kayo na lupa na medyo malaki at wala pang development, sabihin ninyo sa akin. Kasi i-expropriate ko ‘yan, pilit bilihin ko ‘yan sa may-ari at gagawa tayo ng ating mga bahay,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa PDP-Laban rally sa Malabon City.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya pera kundi pera ng gobyerno ang gagamitin sa pagbili ng lupa.  “Hindi ako magyayabang. All you have to do is to find out if there is enough land, ‘yang medyo malayo doon na ano. Then let us expropriate para to end your misery as a squatter,” dagdag pa nito at sinabing pera ng gobyerno ang kaniyang gagamitin.

Importante  umano  sa mga mahihirap ang may lupang pagtatayuan ng kanilang bahay.

Comments are closed.