“TAPOS na ang squatting at upahan ng bahay”.
Ganito inilalarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang nilagdaan nitong Ordinance No. 8730 na naglalaman ng implementing rules and regulations kaugnay ng in-city housing program ng lokal na pamahalaan, kabilang ang condominium buildings na malapit ng matapos.
Sinabi ni Moreno na hindi lamang squatters na nakatira sa paligid ng housing projects ang magiging beneficiaries kundi maging ang mga nangungupahan.
Nakasaad sa ordinansa ang terms of payment and ownership ng housing units, kung saan ang beneficiaries ay magbabayad ng P2,000 sa MUSHO kada buwan.
Ang maiipong bayad ay ibabalik din sa beneficiary kapag gumanda na ang buhay, may kakayahan ng bumili ng bago at mas malaking bahay at magdesisyon ng iwan ang lugar.
Sinabi ni Moreno na maaaring gamitin ng beneficiary ang unit hanggat gusto nito kabilang na ang kanyang tagapagmana at mga magiging anak pero ang pagmamay-ari ng unit ay nananatiling sa gobyerno at tanging mga kadugo lang ng beneficiary ang maaaring tumira sa nasabing unit.
Ang dahilan nito, ayon sa alkalde, kapag ililipat na ang pagmamay-ari sa beneficiary ay dito na nagsisimula ang squatters at ang bisyo na paulit-ulit na ibebenta ang kanilang rights sa sindikato at balik na naman sa pagiging squatter.
“Walang sinumang magmamay-ari sa inyo ngunit habang kayo ay nabubuhay sampu ng inyong lahi, one to sawa kayo. Di pwede ibigay dahil kaya nagfa-fail and mga housing nung araw ay dahil binebenta ng beneficiarires sukdulang mapunta sila sa kalsada ulit. Pag nakaisip ng pera, panandalian lang ang gusto ko habambuhay kayong panatag na me masisilungang matino kaya di ko papayagan ang pagkakataon na kayo ang magmay-ari,” paliwanag ni Moreno.
Sa kaso naman ng isang kawani ng lungsod, ang nasabing empleyado ay maaaring gamitin ang unit na itinakda sa kanya hangga’t naglilingkod siya sa pamahalaang lungsod, pero kailangan niya itong iwan kapag siya ay nagretiro na upang pakinabangan naman ng ibang empleyado.
Kapag may kakayahan ng bumili, ang anumang halagang naibayad ng beneficiary ay kanyang mababawi upang maipandagdag sa bagong bahay na kanyang bibilhin.
Ang bawat site, ayon kay Moreno ay magkakaroon ng sariling drainage and water system, kabilang na rin ang supply ng kuryente sa bawat unit na mayroong comfort room, laundry area, kitchen, dining at sala area at mayroon ding second floor kung saan may dalawang kuwarto, isa para sa magulang at isa para sa mga anak.
Mayroon ding ginawang handbook para sa mga residente na naglalaman ng mga alituntunin na dapat sundin upang matiyak na mapapangalagaan ang buong housing site.
Ang maintenance ng building, elevator, common lighting ay ipauubaya naman sa private management office.
“Kahit di ka may-ari ng condo, ikaw ay may karapatan na ‘yan ay gamitin mo at ng iyong pamilya habang nabubuhay kayo at andiyan ang building. Gusto ko, longterm at walang mamimihasa na magsisindikato o mapapaburan. Ayaw man ibenta ni nanay o tatay kaso binenta naman ng anak. Pag nagkabayaran sa bentahan ayoko kasi ang gusto ko, magkaroon ng ending ng pagiging iskwater o renter,” giit ni Moreno. VERLIN RUIZ
It’s very straightforward to find out any topic on net as compared to books,
as I found this piece of writing at this site.