Laro sa Lunes:
(San Andres Sports Complex)
2:30 p.m. – Letran vs LSGH
ISINALPAK ni CJ Mesias ang go-ahead triple sa huling 26.9 segundo at nakumpleto ng CSB-La Salle Green Hills ang reversal sa San Beda, 89-85, upang maisaayos ng title showdown sa Letran sa NCAA juniors basketball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex.
Nalusutan ng Greenies ang twice-to-beat advantage ng Greenies sa Final Four at ang 37-point outburst ni Chris Hubilla upang umabante sa Finals sa unang pagkakataon magmula noong 2018.
Nagbuhos si Luis Pablo ng 25 points at 19 rebounds habang nagdagdag si Seven Gagate ng 20 points, 9 boards, 4 blocks at 3 assists para sa LSGH.
Sisimulan ng top-ranked Squires at Greenies ang kanilang best-of-three championship series sa Lunes.
Tumanggap ng pasa mula kay Rod Alian, ipinasok ni Mesias ang three-pointer na bumasag sa final deadlock ng laro sa 84-84.
Bumawi si James Ison mula sa miscue sa naunang play nang puwesahin si Hubilla sa turnover at sa huli ay ipinasok ang dalawang free throws na nagbigay sa LSGH ng four-point cushion. Tumapos siya na may 12 points, 6 boards, 5 assists at 2 steals.
Pumutok din si Santi Romero para sa Greenies na may 12 points, 2 rebounds at 2 assists.
Target ng LSGH na mabawi ang korona na huli nilang hinawakan noong 2017.
Nag-ambag si John Lopez ng 13 points, kumubra si Jharmaine Lecciones ng 11 points at 8 rebounds, at nagdagdag si Nicko Lorenzo ng 10 points at 7 boards para sa San Beda.
Iskor:
LSGH (89) — Pablo 25, Gagate 20, Ison 12, Romero 12, Alian 11, Mesias 5, Gomez 3, Rivero 1, Zaragosa 0.
San Beda (85) — Hubilla 37, Lopez 13, Lecciones 11, Lorenzo 10, Ludovice 8, Dungo 2, Mundas 2, Ronquillo 2, Lacsamana 0, Reyes 0, Wagan 0.
QS: 22-19, 46-41, 63-62, 89-85