INIHAYAG ni Trade Secretary Ramon Lopez na aayusin ng Sugar Regulatory Administration ang kanilang mga patakaran para makatulong sa pagpapababa ng presyo ng asukal sa merkado.
Sinabi ni Lopez na nangako ang SRA tungkol dito matapos ang kanilang pagpupulong.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng asukal ay P60 hanggang P65 kada kilo. At inaasahang bababa ito matapos maisaayos ang patakaran ng SRA.
“May supply nga pero ‘yung presyo mataas. Bakit? Kasi may fees na binabayaran sa iba’t ibang sector. Tulad ng affected sector, which will be the sugar producers. ‘Yung fees na ‘yun will have to be adjusted,” paliwanag pa ni Lopez.
Samantala, kamakailan lang ay binanggit ng SRA na tumataas na ang presyo ng raw at refined sugar kasunod ng mababang produksiyon ngayong taon kaya naman tumitingin sila ng importation program. LYKA NAVARROSA
Comments are closed.