SRA NAGBABALA SA PAGTAAS NG PRESYO NG ASUKAL

SRA-Administrator-Hermenigildo-Serafica

NAGBABALA ang Sugar Regulatory Administration na nagbabadya ang pagtaas ng presyo ng asukal kung hindi mag-aangkat ng karagdagang suplay ang pamahalaan.

Ayon kay SRA Administrator Hermeni­gildo Serafica, bumaba ng 14.24 porsiyento ang produksiyon ng raw sugar kumpara noong nakaraang taon. Dahil sa epekto ng masamang panahon, maraming magsasaka ang lumipat sa pagtatanim na lamang ng saging at pinya kaysa magtanim ng sugar cane.

Bumaba rin daw ang suplay sa paglakas ng konsumo matapos magpasya ang dalawang kompanya na palitan ng asukal ang corn syrup na ayon pa kay Serafica, tumaas na sa P2,000 kada kilo ang farmgate price ng asukal mula sa P1,175 kada kilo noong nakaraang taon.

Hindi pa naman, a­niya, gumagalaw ang retail price ng asukal pero maaaring tumaas ito kung hindi magkakaroon ng dagdag na suplay.

Sinabi pa rin ni Serafica na target ng SRA na mag-angkat ng 200,000 metric tons ng asukal at ang kalahati ay ilalaan para sa beverage companies sa bansa.

“Hindi talaga natin mapigilang mag-import dahil we do not want na magkaroon tayo ng shortfall sa domestic supply,” ani Serafica.

Comments are closed.