QUEZON CITY – HIGH ang morale ng Philippine National Police (PNP) sa planong pagbisita sa Camp Crame ni Sri Lankan President, His Excellency Maithripala Sirisena ngayong araw.
Igagawad kay Sirisena ang full state honors sa kanyang pagdating kung saan tatanggapin siya nina DILG Secretary Eduardo Año at PNP Chief, Director General Oscar Albayalde sa PNP Multi-Purpose Center.
“The PNP is honored to host this first ever visit to the PNP National Headquarters by a foreign head of state,” ayon kay Albayalde.
Si Dangerous Drugs Board Chairman, Secretary Catalino S. Cuy, ang nanguna para sa briefing sa Sri Lankan president hinggil sa national anti-illegal drugs campaign.
Sa pagbisita ni Sirisena, magkakaroon ng static display at photo exhibit sa mga depicting scene mula sa actual anti-illegal drugs operations.
Alas-9:00 ng umaga inaasahang darating ang Sri Lankan president at asahan ang mahigpit na seguridad sa paligid ng Camp Crame upang matiyak na walang magiging aberya. EUNICE C.