SRI LANKAN PREXY PINURI ANG WAR ON DRUGS NG PINAS

Maithripala Sirisena

CAMP CRAME – NAGPASALAMAT ang Philippine National Police (PNP) sa pangulo ng Democratic Socialist Republic ng Sri Lanka, His Excellency Maithripala Sirisena sa pagbisita nito sa punong himpilan ng pulisya sa bansa.

Sa pagbisita ni Sirisena, kaniyang pinuri ang ginagawa ng Filipinas partikular ng mga awtoridad para labanan ang illegal drugs.

Sa kanyang pahayag kahapon, sinabi nitong kahanga-hanga ang krusada ng Filipinas laban sa droga at pagtukoy sa mga krimi-nal.

“I admired the country’s crusade against drugs which has taken a bold commitment to address the drug menace,” bahagi ng pa-hayag ni Sirisena.

Humarap sa Sri Lankan president sina Interior Secretary Eduardo M. Año at PNP Chief, Director Ge­neral Oscar D. Albayalde.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Sirisena sa bansa at ang pagtungo niya sa Camp Crame ay huli sa limang araw niyang official visit.

Pinuri rin ni Sirisena ang pagtipon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal nito para sa epektibong anti-illegal drugs campaign. EUNICE C.

 

 

Comments are closed.