HINDI na palalawigin ang price cap sa baboy at manok sa Metro Manila, at sa halip ay magtatakda na lamang ng suggested retail price (SRP) sa imported pork, ayon sa Department of Agriculture.
Ang pagpapatupad ng price ceiling sa baboy na P270 kada kilo sa kasim at pigue, P300 kada kilo sa liempo, at P160 kada kilo sa manok ay hanggang ngayong araw na lamang, Abril 8.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, P270 kada kilo ang itatakdang SRP sa kasim habang P350 kada kilo naman para sa liempo.
“The price cap ends tomorrow, that’s under EO (executive order) 124. So April 8 will be the last day for the price cap — the existing one, and there will be no extension. But we have decided with consultations again with various stakeholders, with DTI (Department of Trade and Industry), and others that we will impose a suggested retail price for imported pork,” sabi ni Dar.
Aniya, nakatakdang mamahagi ang DA ng imported na baboy sa mga supermarket, grocery at palengke sa Metro Manila, partikular sa mga retailer na may freezers o chillers.
Subalit para sa mga walang freezers o chillers, sinabi ni Dar na magkakaloob ang DA ng PHP45 million grant para bumili ng 2,500 freezers na nagkakahalaga ng PHP18,000 bawat isa.
Ang bawat freezer ay may storage capacity na 150 kilograms, ayon kay Dar.
Comments are closed.