SRP IPINAREREPASO

Rep-Dakila-Carlo-Cua

IPINAREREPASO ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua sa mga economic managers ni Pangulong Duterte ang Suggested Retail Price o SRP sa mga pangunahing bilihin.

Sa House Resolution 2308 na inihain ni Cua, nais nitong i-rollback ang SRP sa mga pangunahing produkto tulad ng de-lata, gatas, instant noodles at sabon.

Ang suhestiyong ito ng mambabatas ay kasunod na rin ng pagbaba ng produktong petrolyo sa loob ng anim na linggo na inaasahang magpapahupa naman sa inflation.

Iginiit ni Cua na ito ang dapat na iregalo sa mga consumer ngayong Pasko lalo pa at patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market simu-la pa noong Oktubre.

Mula $83 per barrel ay bumaba na ang presyo ng krudo sa $67 per barrel.

Nakasaad sa Republic Act 7581 na ang Department of Trade and Industry ang lead implementing agency na naglalabas ng SRP sa mga basic goods. CONDE BATAC

Comments are closed.