SRP NG BIGAS SA PROBINSIYA INILUNSAD

bigas srp

SINIMULAN na ng national government ang pagpapatupad ng suggested retail prices (SRP) para sa bigas sa mga siyudad at probinsiya sa buong bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ang National Food Authority (NFA), suportado ng Department of Trade and Industry at ng Philippine National Police, ay magsisimula nang magpataw ng batas  laban sa mga mangangalakal at mga retailer na hindi susunod sa SRP na itinakda sa local at imported rice na ibinebenta sa merkado.

Sa konsultasyon sa mga kaanib sa rice industry, ang itinakdang SRP ay ang sumusunod: regular milled rice (local), P39 per kg.; well-milled rice (local), P44 per kg.; premium rice (local), P47 per kg.; well-milled rice (imported), P39 per kg.; at premium rice (imported), P43 per kg.

“This is to stabilize the price of rice. No more hoarding, no speculation. It’s good for consumers, market, and farmers. The SRP will be adjusted based on the volume of harvest and world market prices,” pahayag ni Piñol sa paglulunsad ng  SRP program sa city market.

“Sanctions include a written warning on the first offense and for succeeding offenses, the violators could suffer penalties of a jail term of between four months and four years and a penalty of between PHP2,000 and PHP1 million. The NFA will also cancel their licenses to engage in rice trading and retailing,” sabi niya.

“If there are violators, the NFA regional and provincial managers will be relieved,” sabi ni Piñol.

Sinabi rin ni NFA officer-in-charge Tomas Escares na sisimulan na nila na magpadala ng warning sa mga lalabag sa Lunes at magpapatupad ng multa matapos ang isang linggo.

“Our order to NFA managers is to strictly implement the SRP program to ensure that affordable rice is available in the market,” sabi ni Escares.

Ang paggamit ng fancy names sa bigas tulad ng “Sinandomeng”, “Super Angelica”, “Double Diamond”, at iba pa, na nakadadaya sa  kons­yumer ay ipahihinto na rin, ayon sa agriculture chief.

Ang SRP sa Metro Manila at karatig-pook ay ipinatupad na noong Oktubre 27 bagama’t ang parusa at multa ay puwedeng ipatupad 15 araw matapos ang publikas­yon  ng guidelines, batay sa pag-apruba ng NFA Council.    PNA

Comments are closed.