SRP PARA SA ILANG URI NG BIGAS MAY KASUNDUAN NA

MAY napagkasunduan na ang gobyerno at rice stakeholders na suggested retail price  (SRP) para sa ilang uri ng bigas.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na para sa mga locally-milled rice, ang SRP ng kada kilo ng regular milled ay P39.00 habang P44.00 kada kilo para sa well-milled.

Ang SRP ng premium rice ay pag-uusapan pa ng NFA council, habang ang special rice ay wala pang SRP.

Ang mga imported na bigas, ani Piñol ay tatawaging imported-Vietnam, imported-Thailand at iba pa. Para naman sa imported na bigas, P40.00 kada kilo ang 5% broken samantalang P37.00 kada kilo ang 25% broken.

Kapag galing lamang naman sa Fi­lipinas ang bigas, tatawagin ang mga ito na Philippine local rice at hindi na gagamitin ang “Sinandomeng,” “Denorado,” “Angelica”, “Jasmin” at iba pang pangalan.

Ayon kay Piñol, target na maipatupad ang SRP sa mga produktong bigas sa Oktubre 23, 2018.

Ang SRP sa bigas ay bahagi ng pag-regulate sa presyo ng bigas, at parte ng pagtugon ng gobyerno sa tumataas na inflation.

Comments are closed.