SRP SA BIGAS IPATUTUPAD NGAYONG OKTUBRE

Secretary Manny Piñol

IPATUTUPAD na ng gobyerno ang suggested retail price (SRP) sa bigas sa huling linggo ng Oktubre.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, ito ang napagkasunduan nila ng traders, millers, at ilang mga kinatawan ng mga magsasaka sa kanilang pag-uusap noong nakaraang linggo.

Batay sa kanilang inisyal na napag-usapan, ibebenta ng P39 kada kilo ang regular milled rice, P42 kada kilo para sa well milled, at P44 naman kada kilo para sa mga long grains rice.

Maglalagay rin sila ng mga karatula na magsasabi kung local o imported ang mga bigas na ibinibenta sa mga palengke.

Samantala, naniniwala na ang 6.7 percent inflation rate noong Setyembre ang siyang pinakamataas nang aabutin ng mga presyo ngayong taon.

Paliwanag ni Piñol, bumababa na ang mga presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan, kabilang na ang presyo ng bigas.

Comments are closed.