INAASAHANG maisasapinal ngayong linggo ang pagkakaroon ng suggested retail price (SRP) sa bigas.
Sinabi ni Agriculture Sec.Manny Piñol, isasapinal ang SRP sa darating na Huwebes, Oktubre 18, na gagawin sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at mga rice stakeholder.
Ayon kay Sec. Piñol, may una nang nailabas na SRP pero under validation pa rin ang mga ito at maaaring maisapinal sa Huwebes ang eksaktong presyo ng bigas sa kanilang pulong kasama ang mga magsasaka at rice retailers.
Binigyang-diin naman ni Piñol na nagsasabay-sabay na ang pagdating ng mga inangkat na bigas na sina-bayan pa ng harvest season kaya inaasahan ang pagtatag na ng presyo nito sa merkado.