SRP SA FACE SHIELD ILALABAS NG DOH

FACE SHIELD-2

LALAGYAN na ng Department of Health (DOH) ng suggested retail price (SRP) ang face shield sa harap ng pagtaas ng demand para rito.

Ayon kay DOH Pharmaceutical Division chief Dr. Anna Melissa Guerrero, nagsasagawa na sila ng pag-aaral sa mga presyo ng face shield sa merkado.

“Dahil nga po rito sa statement na ito na mukhang ire-require ang face shield, pinag-aaralan na po namin ang presyo. Pero iba-iba rin nakikita namin, may P40, mayroong mahal na P400, P500 siguro dahil iba-iba rin ang materyal, titingnan namin kung ano ang reasonable price for face shield, SRP na po ito,” wika ni Guerrero.

May ilang tindahan ang nagtaas ng presyo ng face shield makaraang ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na obligado nang magsuot ng face shield ang mga sumasakay sa public transportation simula sa Agosto 15 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Binigyang-diin ng DOTr na bukod sa face mask, dagdag proteksiyon din ang pagsusuot ng face shield laban sa virus lalo na kapag hindi nasusunod ang physical distancing.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.