SRP SA MANOK BINABALAK NG DA

MANOK-8

DAHIL sa pagbagsak ng produksiyon ng manok sa ilang lugar sa Luzon ng halos 50%, balak ng DA na lagyan ng Suggested Retail Price  (SRP) ang manok sa susunod na buwan.

Ito ang nakikita ang Department of Agriculture (DA) sa pagtaas ng presyo ng manok at itlog sa ilang pamilihan.

Ayon kay DA Consumer Affairs Usec. Ernesto Gonzales, nagmahal din ang presyo ng feeds na pagkain ng manok.

Pero giit ni Gonzales, hindi dapat sobra ang ipinapatong sa presyo nito.

Tiniyak ng DA na hindi kukulangin ang supply ng manok dahil may mga makukuha namang imported.