SRP SA NOCHE BUENA ITEMS INILABAS NA NG DTI

DTI-NOCHE BUENA

INILABAS  na kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng suggested retail price (SRP) ng Noche Buena items.

Kasama sa  listahan ang hamon, sandwich spread,  spaghetti, tomato sauce, elbow at salad macaroni.

Ang SRP ng mga na­sabing bilihin ay ipapaskil  sa mga pamilihan.

Ayon sa DTI, hindi apektado ang presyo ng hamon at keso sa pagtataas ng presyo ng langis at paghina ng palitan ng piso sa dolyar.

Babantayan na rin ng DTI ang presyuhan sa bigas, asukal at manok na inaasahang bababa sa susunod na linggo.

Nakasaad sa website ng DTI ang SRP ng  ilang Noche Buena items katulad ng CDO American Ham na 500g ay 135.00;  Frabelle Foods Premium Pear Shaped Ham (500g-135.00);  King Sue Hawaiian Ham Loaf  (500g-135.00); at Purefoods Brick Ham  (500g-139.00).

Habang ang ibang spaghetti: Del Monte Spaghetti (175g   20.20); Amigo Segurado Spaghetti (200g 15.25). AIMEE ANOC

Comments are closed.