SRP SA NOCHE BUENA PRODUCTS ILALABAS SA OKTUBRE 15

MAGTATAKDA ng suggested retail price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga produktong pang-Noche Buena.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ilalabas nila sa Oktubre 15 ang SRP para sa panghanda ngayong darating na Pasko.

Samantala, mananatili pa aniya hanggang sa Disyembre 1 ang ka­salukuyang presyo ng mga manufactured products, resulta aniya ito ng hiniling nilang moratorium sa pagtaas ng pres­yo ng mga naturang produkto.

Sinabi ni Castelo na nakipag-usap na rin sila sa mga market administrators para maibalik ang DTI presyo bulletin sa mga pamilihan.

“Tutulungan po nila tayong mag-enforce nitong mga sinasabi nating SRP ng manok at baboy at presyo ng bigas, ‘yung DTI presyo bulletin ay ibabalik natin, kasi sabi nila may mga nawala, nasira papalitan po natin at diyan ilalagay lahat ng pres­yo,” ani Castelo.

Comments are closed.