Mga laro sa Biyernes:
(Rizal Memorial Coliseum)
1 p.m. –- EAC vs NU
3:30 p.m. — La Salle vs Letran
6 p.m. — Perpetual vs UST
PINATAOB ng University of Santo Tomas ang Mapua University, 25-18, 25-17, 25-20, para sa ikalawang sunod na panalo sa Pool B ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Maliban sa maliit na hamon sa third set, ang Golden Tigresses ay magaan na nagwagi upang manatiling walang talo at mapatatag ang kapit sa second spot sa likod ng pool leader University of the East (3-0).
Pinangunahan ni Kyla Cordora ang balanced scoring ng UST sa 83-minute clash na may 9 points, pawang mula sa kills, kabilang ang match-clinching hammer upang mapigilan ang late rally ng Lady Cardinals.
“Nag-enjoy lang kami sa game. Naglaro kami na relax nu’ng first set, we just played our game and dinahan-dahan lang namin,” sabi ni Cordora.
Nag-ambag si Xyza Gula ng 8 points at uniskor si Margaret Altea ng 7. Nagdagdag sina Jona Perdido at Regina Jurado ng tig-6 points sa follow-up win ng Tigresses sa 4-set decision kontra Lyceum of the Philippines University noong Sabado sa kanilang debut outing Dinala ni Bianca Plaza ang UST sa match point, 24-17, sa isang quick attack subalit hindi nagpatalo ang
Mapua nang hindi lumalaban kung saan sumagot ito ng tatlong sunod na puntos bago tinapos ni Cordora ang laban.
Sisikapin ng UST na makatatlong sunod na panalo sa Biyernes kontra University of Perpetual Help System Dalta sa alas-6 ng gabi bago ang pinakaaabangang showdown kontra UAAP rival UE sa October 13.
Nanatiling walang panalo ang Lady Cardinals, pinangunahan ni Alyanna Ong na may 8 points, sa tatlong laro.
Samantala, humabol ang University of the Philippines mula sa isang set na deficit upang gapiin ang Letran, 17-25, 25-18, 25-18, 25-23, noong Sabado para sa kanilang unang panalo sa Pool C ng kumpetisyon.
Kinamada ni middle blocker Kassandra Doering ang pito sa 16 kill blocks ng Fighting Maroons upang makabawi mula sa opening game loss laban sa De La
Salle University noong nakaraang linggo upang makatabla ang Lady Knights sa 1-1.
Hataw si Doering ng 16 points, kabilang ang 9 mula sa attacks, Nagdagdag si Joan Monares ng 11 markers habang umiskor si Nina Ytang ng 10 para sa UP, na nakalusot sa kabila ng shaky reception na nagpahintulot sa Letran na umiskor ng 10 aces.
Nanguna si Gia Maquilang para sa Lady Knights na may 18 points habang nagtala sina Sheena Saring at Judiel Nitura ng 14 at 12, ayon sa pagkakasunod.
Maghaharap din sa Biyernes ang defending champion National University at Emilio Aguinaldo College sa ala-1 ng hapon sa Pool A habang magsasalpukan ang La Salle at Letran sa alas-3:30 ng hapon.
Ang SSL games ay ineere nang live at on-demand via Puso Pilipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.