Mga laro sa Biyernes:
(Rizal Memorial Coliseum)
1 p.m. –- UE vs Perpetual
3:30 p.m. — San Beda vs Arellano
6 p.m. — NU vs Ateneo
MAGAAN na dinispatsa ng Arellano University ang Emilio Aguinaldo College, 25-17, 25-16, 25-12, sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship nitong Linggo sa Rizal Memorial Coliseum.
Nangailangan lamang ang Lady Chiefs ng isang oras at 26 minuto upang gapiin ang Lady Generals at samahan ang Ateneo de Manila University sa debut winners list sa Pool A.
Nagpakawala ang Arellano ng 43 attacks at sinamantala ang 25 miscues ng EAC para sa magaan na panalo.
Pinangunahan ni Laika Tudlasan balanced offense ng Lady Chiefs na may 10 points habang nagdagdag sina Kacelyn Punzalan at Mauie Magaling ng 8 at 6!markers, ayon sa pagkakasunod.
“Grateful po kami kasi preparations po namin sabi ng mga coaches na ngayon na yung test na maa-apply yung pinaghirapan namin for months,” sabi ni Tudlasan, na may 9 kills.
Maagang lumayo ang Lady Chiefs sa third set, kung saan kumarera ito sa 15-4 bentahe na lumobo sa 24-11 matapos ang block hit ni Pauline De Guzman.
“Maganda po ‘yung communication and saya namin sa team. Parang ang gaan ngayon kasi may tiwala kami sa isa’t isa,” dagdag pa ni Tudlasan added.
Walang Lady General na nagtala ng double figures kung saan tumapos si Erica Bodonal na may 6 points at nagposte si Cara Dayanan ng 5 at nalimitahan ang EAC sa 19 attack points lamang.
Samantala, nagtala ang Ateneo de Manila University ng reverse sweep kontra San Beda University, 22-25, 20-25, 25-21, 25-21, 15-7, sa Pool A noong Sabado ng gabi.
Nanguna si veteran winger Lyann De Guzman para sa Ateneo na may 17 points mula sa 14 kills, 2 aces at 1 kill block.
Nagbida naman sina Angel Habacon at Janelle Bachar para sa Red Spikers na may 14 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.
Sa iba pang Saturday result, bumawi ang Lyceum of the Philippines University mula sa opening day loss makaraang pataubin ang Mapua University, 25-9, 19-25, 20-25, 26-24, 15-12, sa Pool B.