Mga laro sa Sabado:
(Rizal Memorial Coliseum)
11 a.m. –- UST vs FEU
2 p.m. — UE vs La Salle
5 p.m. — Ateneo vs UP
SISIKAPIN ng De La Salle University at University of the East na makalapit sa quarterfinals twice-to-beat advantage sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship ngayong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang aksiyon sa nag-iisang Pool E match ng triple-header ay nakatakda sa alas-2 ng hapon kung sasakay ang Lady Spikers at Lady Warriors sa momentum ng kanilang second round opening day victories.
Sa unang laro sa alas-11 ng umaga ay maghaharap ang University of Santo Tomas at Far Eastern University habang sa main game sa alas-5 ng hapon ay magsasalpukan ang Ateneo de Manila University at University of the Philippines.
Ang La Salle ay sasalang na puno ng kumpiyansa kasunod ng 32-30, 14-25, 25-22, 25-21 revenge win kontra inaugural championship tormentor National University noong nakaraang Linggo.
Pinataob ng Lady Spikers sa likod ng battle-tested duo nina Angel Canino at Shevana Laput ang three-peat-seeking Lady Bulldogs sa kanilang unang SSL meeting magmula noong 2022 winner-take-all title match ng prestihiyosong torneo.
Ang La Salle ay nasa four-game romp kasunod ng sweep sa first round at papasok sa laro na paborito.
Winalis ng Lady Warriors ang reigning NCAA champion College of Saint Benilde, 25-19, 25-18, 25-23, upang makabawi mula sa nakadidismayang five-set loss sa Growling Tigresses sa pagtatapos ng first round.
Tiyak na bibigyan nina UE stars Casiey Dongallo, Jelai Gajero at KC Cepada si Canino at ang iba pa sa Lady Spikers ng magandang laban.
Samantala, target din ng UST na makalapit sa quarters incentive laban sa debuting FEU sa kanilang rescheduled clash matapos kanselahin ang mga laro noong Biyernes dahil sa bagyong Kristine.
Sinimulan ng Tigresses ang second round sa pagwalis sa Blue Eagles noong nakaraang Linggo upang manatiling walang talo matapos ang limang laro.
Magbabalik sa aksiyon ang Lady Tamaraws matapos ang two-week break makaraan ang three-game sweep sa first round.
Umaasa ang Ateneo na makabalik sa winning track laban sa Fighting Maroons na hangad na matikas na simulan ang quarters bonus race.
Samantala, tatanggapin pa rin ng liga ang mga ticket na binili para sa ipinagpalibang October 25 games. Ang mga ticketholders ay maaaring manood ng mga laro sa October 26 o October 27.
Ang SSL games ay ineere nang live at on-demand via Puso Pilipinas, SMART Livestream, Solar Sports Channel 70 sa Sky Cable at Channel 59 sa Cable Link.