Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Coliseum)
11 a.m. – NU vs JRU
2 p.m. – AdU vs SBU
5 p.m. – EAC vs ADMU
WINALIS ng bagong bihis na University of the East ang San Sebastian College-Recoletos, 25-18, 25-20, 25-20, upang makopo ang breakthrough playoff appearance sa 2023 Shakeys’ Super League (SSL) Collegiate PreSeason Championship Season 2 kahapon sa Ri- zal Memorial Coliseum sa Manila.
Nangailangan lamang ang Lady Warriors (2-1) ng 73 minuto upang sibakin ang Lady Stags (1-2) sa knockout tiff para sa ikalawang puwesto at huling playoff seat mula sa Pool A, na pinangungunahan ni reigning champion at unbeaten National U na may 2-0 kartada.
Nagsanib-puwersa sina veteran spiker KC Cepada at super rookie Casiey Dongallo sa atake ng UE na may 14 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, kung saan niregaluhan ng koponan si bagong coach Jerry Yee ng Top-8 stint sa kanyang debut sa 16-team SSL.
Tanging ang mga libero ang hindi nakaiskor para sa Lady Warriors, na mapupunta sa Pool E ng carry-over playoffs na binubuo ng Pool B top-seed Adamson at hindi pa nadedeterminang koponan mula sa Pool C at D.
“I’m glad that in our first time together with UE in the Shakey’s featuring the complete teams from the UAAP and NCAA, we’re able to be in the Top 8. We’re excit- ed. We talked about this possibility,” sabi ni deputy mentor Obet Vital.
Sumandal ang Lady Warriors sa 20-11 simula laban sa San Sebastian at maging ang mabagal na simula sa sumunod na dalawang frames ay hindi nakapigil sa kanilang panalo.
Naitala ng UE ang isa pa nitong panalo laban sa Jose Rizal U, 25-14, 25- 21, 25-19, bago nalasap ang 15-25, 19-25, 15-25 kabiguan sa NU para sa 2-1 record sa pool A ng SSL Season 2 na supor- tado ng Commission on Higher Education at ng Philippine Sports Com- mission.
Nagbuhos si Kather- ine Santos ng 14 points upang pangunahan ang Lady Stags.